Umaasa si Manila Representative Bienvenido Abante Jr. na babalik sa Pilipinas sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Pia Cayetano matapos mamataan ang mga ito sa Singapore, ayon sa kumpirmasyon ng Bureau of Immigration.
Sa isang pahayag, ibinunyag ni Abante ang kanyang panawagan sa gitna ng isyu na ni-raise ni Senator-Judge Erwin Tulfo tungkol sa partisipasyon ng mga senador sa paglilitis at botohan para sa posibleng paghatol kay Vice President Sara Duterte.
Sinang-ayunan ni Abante ang katanungan ni Tulfo kung ang mga absent o hindi nakapakinig na senador ay dapat bang makasama sa desisyon ng impeachment court.
Binigyang-diin niya na bagama’t nakasaad sa Saligang Batas na kailangan ang two-thirds vote para sa hatol na “guilty.”
Sa kasalukuyang apat na senador ang nakaliban sa mga paglilitis kabilng si sina Senador Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta na nakadetine sa mga kasong plunder. Si Ronald “Bato” dela Rosa naman ay nagtatago mula sa Arrest Warrant ng International Criminal Court (ICC), habang si Senador Loren Legarda ay nasa Extended Medical Leave.