Tiniyak ng Philippine government sa mga dayuhang mamumuhunan na tutumbasan ng long term commitment ng pamahalaan ang long term-investment na ilalagak ng mga ito sa bansa.
Ito’y partikular na sa Luzon Economic Corridor na magsisilbing link o integrated economic hub sa mga area ng Subic, Clark, Metro Manila, Batangas, at iba pang kalapit na lalawigan.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, kanilang itinuturing ang LEC na once-in-a-generation opportunity para mapalawak pa ang economic cooperation at mapalakas ang papel ng Pilipinas sa regional supply chains.
Tinitiyak, ani Recto, ng gobyerno na ibibigay sa mga mamumuhunan ang mas pinadami pang investment incentives, mabilis na approval sa kanilang business application at mas modernong imprastraktura na itatayo sa Luzon Economic Corridor.
Bahagi aniya ito ng repormang ipinatutupad ng Marcos Administration sa harap ng pagsisikap na makahikayat pa ng mas maraming investors. | ulat ni Alvin Baltazar