Inaasahang maiaakyat na sa plenaryi ng Kamara ang House Bill 10858 o panukalang ₱7.2 trillion 2027 National Budget sa susunod na linggo.
Nitong Martes nang tapusin ng House Committee on Appropriations ang budget hearings para sa mga ahensya ng pamahalaan at kanilang panukalang pondo.
Oras na maaprubahan na ng komite ang committee report ay maiaakyat na ito sa plenaryo para sa sponsorship at plenary debates.
Batay sa timeline tatagal ang deliberasyon mula September 15 hanggang September 25.
Target itong maaprubahan sa ikalawang pagbasa sa October 6, habang October 9 naman ang third at final reading. | ulat ni Kathleen Forbes