Muling magiging sentro ng Meetings, Incentives, Conventions and Exhibitions o MICE industry ang Cebu matapos mapiling host ng MICECon 2027—13 taon matapos nitong huling idaos ang naturang malaking event ng MICE professionals mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon sa Department of Tourism Central Visayas, layon ng event na maipakita ang world-class venues, Cebuano hospitality, at kakayahan ng Cebu sa pagho-host ng malalaking business events.

Matagal nang isa sa mga pangunahing MICE destinations ang Cebu, na may mga venue gaya ng IEC Convention Center, Waterfront Cebu City, at iba pang hotel at convention facilities.
Sa katunayan, hindi na bago ang ganitong oportunidad para sa Cebu dahil nag-host na rin ang lugar ng MICE Con noong 2023.
Inaasahang magiging oportunidad ang MICECON 2027 para higit na maipromote ang Cebu bilang premier business and events destination sa international market.