Photo courtesy of the Office of the Provincial Agriculturist Occidental Mindoro
Ilulunsad ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) ang isang climate monitoring tool na tutulong upang masuri ang epekto ng El Niño sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Tinatawag itong El Niño-Southern Oscillation Assessment Simplified o EASi Tool, na gumagamit ng interactive graphs, maps, at charts upang maipakita ang datos sa pag-ulan at matukoy ang mga pinsalang dulot ng El Niño at La Niña.
Ayon sa DOST, inaasahang tatagal ang “very strong” El Niño hanggang sa huling bahagi ng 2026 at unti-unting hihina sa unang kalahati ng 2027. Posibleng bumaba nang mahigit 60% ang pag-ulan sa loob ng hindi bababa sa tatlong buwan pagsapit ng Marso 2027, kasabay ng pagtaas ng temperatura.
Itatampok ang EASi Tool sa National Science, Technology, and Innovation Week (NSTW) mula November 25-29, 2026 sa General Santos City, South Cotabato.