Photo courtesy of Tondo Medical Center
Ipinagdiwang ng Tondo Medical Center ang World Physiotherapy Day o World PT Day sa pamamagitan ng isang lay forum noong October 15, bilang bahagi ng ika-10 anibersaryo ng Physical Medicine and Rehabilitation Department (PMRD) nito.




Tampok sa forum ang pagpapakilala sa mas maayos na pasilidad at mga makabagong kagamitang ginagamit sa rehabilitasyon, gayundin ang Zumba session na naghihikayat sa publiko na panatilihing aktibo ang katawan upang makaiwas sa mga cardiovascular disease at stroke.
“Kailangan nating ipakilala kung ano ba yung pagiging physical therapist, ano ang kahalagahan natin, dahil hindi lang tayo nasa ospital, nasa clinic, nasa larangan din tayo ng sports, research, educational institution, at pati actually, sa mga industrial rehabilitation,” ani PMRD Supervisor Vincent Jhed Mayuga.

Binigyang-diin din ng pagdiriwang ang mahalagang papel ng physical therapy sa pagpapanumbalik ng kakayahang kumilos at pagpapabuti sa kalidad ng buhay ng mga pasyente.