Tuloy-tuloy ang arangkada ng search and rescue operations gayundin ang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard sa nasunog na passenger vessel na MV June Aster sa katubigan ng Palawan.
Sa panayam ng programang BOSES kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, sinabi niyang nasa 43 ang naitalang survivor, lima ang naitalang casualty habang bumaba sa 84 ang potential missing bunsod ng ibinawas na dalawang pasahero na ayon sa manifesto ay hindi naman nakasakay sa sasakyang pandagat.
Sa ngayon ay susubok na ang PCG para sa isang firefighting operations kung saan dahan-dahan nang papasukin ang MV Junes Aster upang malaman ang dahilan ng sunog.
Nasa Palawan na rin ang isa sa pinakamalalaking saaskyang ng PCG na tutulong sa gagawing operasyon.
Isasagawa na rin ang aerial inspection ng nasabing sasakyang pandagat upang mas makita ang sitwasyon nito bunsod ng nangyari ditong sunog.