Binigyang-diin ni South Cotabato Governor at League of Provinces of the Philippines National President Reynaldo Tamayo Jr. na siya ring tumatayong chairperson ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) na hindi nagagamit sa pamumulitika at mas may transparency ang ibinababang LGSF dahil direkta na at agaran na rin ang pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim nito.
Imposible ring magamit ito sa election bribery at katiwalian, dahil maayos ang implementasyon nito at ito ay subject to monitoring ng pamahalaan.
Giit ni Tamayo na napakahirap na malusutan at magamit ito sa pamumulitika dahil sa safeguards nito.
Kaya naman payo ng gobernador sa mga bumabatikos at namumulitika na nakasasama umano ang LGSF na ilatag ang mga ebidensiya at patunayang wala ngang magandang idinudulot para sa mamamayang Pilipino ang pondong nagmumula sa LGSF.
Hirit pa nito na tignan na lang ang mga resibong mula sa nasabing pondo tulad ng mga proyektong ngayon ay umaarangkada na at pinakilkinabangan ng mga Pilipino.