Saksi ang lahat ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang lalawigan sa bansa ng napakalaking benepisyo ng Local Government Support Fund (LGSF) para sa mga residenteng kanilang nasasakupan.
Ito ang naging pahayag ni South Cotabato Governor at League of Provinces of the Philippines National President Reynaldo Tamayo Jr. na siya ring tumatayong Chairperson ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) sa panayam ng programang Mark In, Mark Out.
Aniya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na pantay-pantay na nakatatanggap ang mga local government ng LGSF.
Sa tulong kasi nito ay mas napagtutuunan na ng mga local at provincial governments ang mga proyektong totoong malapit sa puso at sikmura ng mga lokal na residente.
Ito rin ay maituturing na magandang simulain ayon kay Tamayo upang ma-decentralize ang highly-centralized na fund allocation ng national government sa mga constituent nito.