Katuwang na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa search and rescue operations matapos ang sunog sa MV June Aster sa Coron, Palawan.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ginagamit ang air at naval assets ng AFP para sa operasyon.
Nagsagawa na ng aerial surveillance ang isang NC212i aircraft.
Patuloy din ang search and rescue ng Sokol helicopter ng Western Command.
Ayon pa kay Padilla nakaantabay pa ang mga S-70i Black Hawk helicopters para sa karagdagang suporta.
Aniya, gamit din ng Western Naval Command ang kanilang available na Naval assets sa Maritime search and rescue.
Sinabi ng AFP na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga responder para sa paghahanap at pagliligtas sa mga posibleng hindi pa natatagpuan.