Photo courtesy of Presidential Communications Office
Puno ang schedule ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa unang araw ng biyahe nito sa India upang dumalo sa BRICS Summit.
Bahagi ng aktibidad ng Pangulo ngayong araw ang pagdalo sa isang private meeting na ginawa sa Taj Mahal Hotel sa New Delhi.
Kasama rin sa dinaluhan kanina ni Pangulong Marcos Jr. ang ginawang pag-anunsiyo sa membership ng Pilipinas sa Coalition for Disaster Resilient Infrastructure at kasunod nito ay ang pagbibigay ng briefing sa Chief Executive hinggil sa Rail India Technical and Economic Service.
Sinundan ito ng isa pang briefing sa Pangulo ng Indian Space Research Organisation na nagsasagawa ng mga pagsasaliksik sa science, engineering, and technology.
Kasama naman sa schedule mamayang hapon ng Pangulo ang meeting sa GMR Group, kung saan ay inaasahang tatalakayin ang lumalawak nitong papel sa imprastraktura ng aviation sa Pilipinas, partikular ang pag-unlad ng proyekto para sa Sangley Point International Airport kasama ang Cavitex Holdings.
May NPCI International meeting pa ang Pangulo, habang nakalinya rin sa aktibidad ni Pangulong Marcos ang roundtable meeting sa Indian Business Executives. Huling aktibidad naman ng Pangulo ay ang tradisyunal na Gala Dinner na gagawin sa Bharat Mandapam sa New Delhi.