Aabot ng 10,500 Philippine National Police (PNP) personnel ang ide-deploy para sa seguridad ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Allen Rae Co, 4,000 pulis ang regular na naka-assign sa rehiyon.
Mahigit 5,000 karagdagang tauhan naman ang ipinadala mula sa ibang rehiyon at units ng PNP.
Mananatili ang mga ito sa kanilang mga post hanggang sa matapos ang pagbibilang ng mga boto.
Sinabi ni Co na makikipag-ugnayan ang PNP nang mahigpit sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Commission on Elections (COMELEC), Philippine Coast Guard (PCG), at local government units.
Layunin nitong maiwasan ang redundant o magkakaparehong deployment at matiyak na sapat ang seguridad sa bawat lugar.
Tinatayang 154 na kandidato ang naglalaban para sa 80 posisyon sa BARMM.