Walang nakikitang posibleng banta ang Philippine National Police sa halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Lunes.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Allen Rae Co, sa kabuuan ay napakatahimik ng sitwasyon sa rehiyon.
Gayunman, patuloy ang pagmamatyag at paghahanda ng security forces dahil sa pag-uuri sa mga election areas of concern.
Sa 105 lungsod at bayan sa BARMM, 93 ang napailalim sa iba’t ibang level ng monitoring.
Kabilang dito ang yellow, orange, at red classification, batay sa posibleng banta at election-related incidents.
Sinabi ni Col. Co na ginagamit ang classification para maituon ang mga tauhan at intervention sa mga lugar na mas nangangailangan nito.
Pero sa ngayon, iginiit ng PNP na walang nakikitang serious threat sa papalapit na halalan.