Pinatitindi pa ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng gun ban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao habang nasa ilalim ng election period ang rehiyon.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Allen Rae Co, may mga nahuli na sa paglabag sa gun ban, bagama’t hindi pa agad nakumpirma ang tiyak na bilang.
Sinabi ni Co na sa checkpoints, sinusuri ang mga taong may dalang armas at ang kanilang mga dokumento.
Kailangan umanong mapatunayang may legal na authority o may exemption mula sa COMELEC ang sinumang may dalang baril.
Kabilang sa sinuri ng pulisya ang isang convoy na papunta sa kampo ni Commander Bravo.
Agad namang naresolba ang naturang insidente matapos mapatunayan ang mga kinakailangang detalye. Sinabi ng PNP na mayroon nang mekanismo para hawakan ang mga ganitong sitwasyon.