Photo courtesy of PDRRMO Maguindanao Del Sur
Itinaas ng lokal na pamahalaan ng Maguindanao del Sur ang Red Alert Status sa buong probinsya para sa paparating na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Election.
Sa pahayag na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sinabi nito na layunin nitong matiyak ang ligtas, mapayapa, at maayos na halalan.
Dahil sa nasabing kautusan, ina-activate na nito ang Emergency Operations Center (EOC) ng Maguindanao del Sur simula bukas, September 13, 2026.
Inatasan ang mga response teams na manatiling alerto at handang tumugon sa anumang emergency o insidente bago, habang, at pagkatapos ng halalan. Mananatili ang alert status hanggang sa susunod na abiso na ilalabas ng lokal na pamahalaan.