Photo Courtesy of Art Show Philippines
PARIS, FRANCE — Inilunsad sa International Art Gallery sa Paris, France ang isang tanyag na exhibition na pinamagatang “The Filipino Diaspora” ngayong araw, Setyembre 12, 2026.
Layunin ng nasabing event na ipakita ang kwento ng migrasyon, alaala, at ang katatagan ng Filipino creative spirit sa iba’t ibang dako ng mundo.
Dinaluhan ang pagtitipon ng mga local at foreign art enthusiasts, mga diplomat, at miyembro ng Filipino community sa Europa.
Pinangasiwaan ni Frederick Epistola ng Art Show Philippines ang exhibition, kung saan itinampok ang mga likhang-sining na nag-uugnay sa kulturang Pilipino mula Luzon, Visayas, at Mindanao patungo sa mga sikat na atelier sa Paris, Bologna, at Brussels.
“The Filipino Diaspora is more than a collection of art; it is a bridge,”
pahayag ni Epistola sa kanyang opening remarks.
“Through these works, we aim to capture the beauty of finding home in new horizons while keeping our roots firmly planted in the heart of our culture.” dagdag pa nito.
Naging pangunahing tagapagsalita sa inaugurasyon si Consul General Noemi Diaz, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtataguyod ng kulturang Pilipino sa pandaigdigang entablado.
Bukod sa mga visual art, nagkaroon din ng mga espesyal na pagtatanghal tulad ng Interpretative dance, tula at pagtatanghal sa musika.
Pormal na binuksan ang exhibition sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony na pinangunahan nina Consul General Noemi Diaz, Consul Miko Cabigting, curator Frederick Epistola, organizer Ms. Apple Love Eve, gallery host Sir George Levy, at ng mga tampok na pintor at alagad ng sining. Pinarangalan din sa maikling programa si Christopher Alcantara bilang ‘Best in Show’ para sa kanyang obra na “Entre Deux Monde,” na nagpakita ng malalim na repleksyon sa buhay ng mga Pilipino sa ibang bansa.