Magpapadala ng tauhan ang Department of Education (DepEd) 11 para magsagawa ng Random Manual Audit sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Election.
Sa isang mensahe, inihayag ni DepEd 11 Spokesperson Jenielito Atillo, 17 tauhan ang ipinadala ng kagawaran para maging kasapi ng bubuohing Random Manual Audit Team pagkatapos ng eleksyon.
Sa nasabing bilang, 11 dito ay mula sa Davao del Sur, apat sa Davao Occidental, at dalawa sa Davao City.
Ayon kay Atillo na ang nasabing mga tauhan ay mga teaching at non-teaching staff na ni-request mismo ng Commission on Elections kay Education Secretary Sonny Angara.
Ang mga nasabing tauhan ay magsisilbing secretary at third member ng nasabing Audit Team na inaasahang magsisimula ngayong Setyembre 18, 2026.