Umapela ang Department of Migrant Workers sa mga shipowner na paigtingin ang safety measures para sa mga Filipino seafarer na bumibiyahe sa high-risk at warlike areas.
Kasunod ito ng pag-atake sa oil tanker na M/V SIDR noong Agosto 31, kung saan dalawang Filipino seafarer ang nasawi.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, dapat igalang ang karapatan ng mga seafarer na tumangging bumiyahe sa mga lugar na hindi ligtas.
Hinimok din ng lalihim ang mga shipowner na ilayo ang mga crew sa vulnerable areas, partikular sa engine room, habang nasa high-risk zones.
Samantala, ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 14 na nakaligtas na Filipino crew ng M/V SIDR, sa tulong ng UAE at Oman.