Photo courtesy of DTI Negros Occidental
Pinilahan ng publiko ang iba’t ibang serbisyo ng Department of Trade and Industry (DTI) Negros Occidental bilang bahagi ng Handog ng Pangulo: “Serbisyong Sapat Para sa Lahat” ngayong Setyembre 14 sa Provincial Capitol Lagoon sa Bacolod City.
Kabilang sa mga serbisyong hatid ng DTI Negros Occidental ang business counseling, Business Name Registration, Barangay Micro Business Enterprise o BMBE Registration, at consumer advocacy and education.
Tampok din sa aktibidad ang Diskwento Caravan katuwang ang Puregold, mini trade fair, at assistance sa loan application sa Small Business Corporation o SB Corp.
Layunin ng aktibidad na mailapit sa publiko ang mga serbisyo ng pamahalaan, partikular sa mga micro, small and medium enterprises o MSMEs at mga mamimili.
Layunin ng programa na maisakatuparan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilapit sa mga Pilipino ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.