Photo courtesy of PSA Guimaras
Iba’t ibang libreng serbisyo at tulong mula sa pamahalaan ang tampok ngayong araw sa “Handog ng Pangulo, Serbisyong Sapat Para sa Lahat” na ginaganap sa Kapitolyo Probinsyal ng Guimaras.
Pinangunahan ni Guimaras Governor Lucille Nava ang aktibidad kung saan nagtipon sa iisang lugar ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mailapit sa mga Guimarasnon ang mga serbisyo ng gobyerno.
Kabilang sa mga serbisyong inihahandog ay tulong at konsultasyon, PSA services para sa mga dokumento at civil registry concerns, pangunahing serbisyo para sa mga indibidwal at pamilya gayundin ang job fair para sa mga naghahanap ng trabaho at bagong oportunidad.
Bahagi ang aktibidad ng programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong ilapit sa mga mamamayan ang mga serbisyo, tulong at oportunidad mula sa pamahalaan.