Kasama ang Department of Agriculture Western Visayas sa mahigit 20 ahensya ng pamahalaan na nakilahok sa Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat sa Iloilo.
Kasabay nito, ibinahagi ni Regional Executive Director Dennis Arpia na mahigit ₱453 milyon halaga ng mga production support at makinarya ang inilaan ng DA-6 para sa mga magsasaka sa ilalim ng Regional Rice Program para sa dry season 2026–2027, kabilang na dito ang mga hybrid seeds, liquid fertilizer, wettable fertilizer at granular fertilizer.
Mamimigay din ang DA-6 ng isang unit ng flatbed dryer para sa Umambong Farmers Association na nagkakahalaga ng mahigit P1.2 milyon; habang isang grupong benepisyaryo naman ang makakatanggap ng carabao multiplier farm project at hybrid solar renewable energy system na may kabuuang halaga ng ₱5.4 milyon.
May nakalaan ding ₱4.6 milyon para sa High Value Crops Development Program o katumbas sa mahigit 2,000 bags ng inorganic fertilizer sa 47 farmer associations.