Patuloy ang paghahanap ng mga indonesian rescuers matapos mawala ng kontak at kalaunan ay iniulat na lumubog ang isang ferry sa Indonesia.
Ayon sa ulat ng CNN International, lulan ng Virgo Transport 8 ang tinatayang mahigit sa 240 pasahero at crew patungong South Kalimantan Province mula sa Surabaya sa East Java ng mag report ang kapitan ng barko ng malalaking alon na nauwi sa pag isyu ng distress message sanhi ng pagtabingi ng shipping vessel.
130 pasahero at crew ng barko ang naiulat na nawawala samantalang 107 katao ang nailigtas
Anim na katao naman ang nasawi at narekober ng Indonesian rescue and search teams.
Patuloy namang naghihintay ang mga kaanak ng mga nawawalang pasahero sa ano mang balita hingil sa sinapit ng kani-kanilang kamag-anak habang patuloy pa din sa paghahanap ang mga Indonesian Rescuers.