Mahigit 5.78 milyong mahihirap, near-poor, at low-income households ang nakatanggap na ng pinansyal na tulong sa ilalim ng UPLIFT program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, papalapit na sa completion ang pamamahagi ng ayuda, lalo na sa Group 1 na tumatanggap ng one-time payout.
Sa kabuuang bilang, mahigit 3.21 milyong benepisyaryo mula sa 4Ps at Walang Gutom Program ang nabigyan na ng ayuda.
Mahigit 1.75 milyon naman ang nakatanggap sa Group 2, habang nasa 811,000 beneficiaries mula sa low-income members ng SSS ang nakatanggap sa Group 3.
Nagpapatuloy ang validation ng DSWD, kasama ang mga LGU at SSS, upang mahanap ang mga benepisyaryong hindi pa nakatatanggap ng unang payout. Ayon sa ilang benepisyaryo, malaking tulong ang cash assistance para sa pambili ng pagkain at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.