Nadagdagan pa ang mga namatay at nasaktan sa BARMM Parliamentary Elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, nangyari ang karahasan sa magkakahiwalay na lugar sa Cotabato kagabi.
May naganap na barilan na ikinamatay ng tatlong indibidwal at ikinasugat ng 15 iba pa.
Isang suspek din ang nasugatan matapos masabugan ng sarili nitong IED.
Kaninang umaga, mayroon na namang isang namatay at tatlong nasugatan sa panibagong insidente ng barilan.
Batay sa datos as of 2 p.m., apat na ang namatay at 19 ang sugatan. Una nang inilagay sa COMELEC control ang Cotabato City, kung saan kontrolado ng COMELEC ang law enforcement agencies, militar at pulisya upang matiyak ang ligtas at maayos na halalan.