Kinumpirma ng Maguindanao del Sur Provincial Government ang insidente ng pamamaril sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha kaninang tanghali, September 14, 2026.
Ayon kay Provincial Legal Officer Atty. Rex Porras, may hindi pa natutukoy na armed group ang nagpaputok ng armas malapit sa munisipyo ng bayan. Ayon kay Porras, sa inisyal na report na naiparating sa Provincial Office, punterya umano ng grupo ang canvassing area.
Bandang alas-2:00 ngayong hapon ay nagka-cease fire na at na-contain ng PNP at AFP ang insidente, kung saan may ilang mga armadong kalalakihan ang inaresto at dinala na sa police station.
Ayon kay Porras, maliban sa naturang insidente, may nailuat na naman sa kanilang ibang insidente ng pamamaril, ngunit hindi muna ito nagbigay ng detalye sa naturang insidente.
Samantala, hinihintay pa natin ang pahayag at updates mula sa Maguindanao del Sur Provincial Police Office hinggil sa mga ulat ng pamamaril ngayong araw ng BARMM Parliamentary Elections sa kanilang lalawigan.