Nananatiling nakabantay ang Philippine Army sa sitwasyon sa kauna-kaunahang BARMM Parliamentary elections katuwang ang kanilang mga security partner.
Ayon kay Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, nakahanda silang tumugon sa anumang banta at protektahan ang mga mamamayan lalo na ang mga bumoboto.
Nanawagan naman si Dema-ala sa mga botante, kandidato, tagasuporta, at stakeholder na manatiling kalmado. Bagaman may mga naiulat na ilang insidente ng karahasan, hindi aniya dapat hayaang makasira ang mga ito sa demokratikong proseso o magdulot ng takot sa publiko.
Wala aniyang lugar sa mahalagang pagsasagawa ng demokrasya ang anumang uri ng karahasan at panliligalig na magbabanta sa kaligtasan ng mga komunidad.
Matatandaang nasa 2.39 milyong mga registered na botante ang nakatakdang bumoto para sa makasaysayang BARMM Elections ngayong araw. | ulat ni Diane Lear