Naglabas na ng Memorandum Circular ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na nag-aalis ng Value-Added Tax (VAT) sa allowable system loss charge sa kuryente.
Sa ilalim ng bagong panuntunan, ituturing na government-mandated charge ang system loss na pasok sa cap na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, hindi na ito papatawan ng output VAT kaya maaaring mabawasan ang halagang ipinapasa sa mga consumer sa kanilang electricity bill.
Sinabi pa ni Mendoza, bahagi ito ng mga hakbang para magbigay ng praktikal na ginhawa sa mga consumer at mabawasan ang pasanin sa gastos sa kuryente.
Mag-a-apply ang bagong VAT treatment prospectively, alinsunod sa effectivity ng ERC Resolution Number 26, Series of 2026.