Binibilisan ng Marcos Administration ang mga pamumuhunan, pagsasanay, at pagtulong sa expansion ng mga negosyo at sa pag-empleyo ng mga ito ng mas maraming Pilipino.
Pahayag ito ni Executive Secretary Ralph Recto, kasunod ng July 2026 Labor Force Survey (LFS), na nagpapakita na 49.2 million Filipinos ang kasalukuyang employed.
Mas mataas ito ng 3.2 million kumpara noong nakaraang taon.
Sabi ng kalihim, bagamat maraming Pilipino ang nakakahanap ng trabaho, marami ring Pilipino ang napapabilang sa labor force.
Ito ang dahilan kung bakit dapat na nakakasabay ang job creation.
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit tinutulungan nila ang mga negosyo na lumago, upang mas maraming manggagawang Pilipino ang makinabang.
“More Filipinos are finding work but more are also entering the labor force so job creation must keep pace. Kaya kailangan nating pabilisin ang pagpasok ng mga investments, tulungan ang mga negosyo na lumago at kumuha ng mas maraming manggagawa, at ihanda ang mga Pilipino sa mga trabahong nagbubukas.” -Recto
Katunayan, ayon sa kalihim, kalulungsad lamang ng Philippine Semiconductor and Electronics Industry (PSEI) Roadmap, upang mapalawig ang manufacturing base ng bansa at upang makalikha ng mas maraming skilled jobs.
“The roadmap seeks to move the Philippines beyond traditional assembly and manufacturing and capture more high-value activities, including chip design, engineering, research, and innovation.” -OES
Ang pamahalaan, una na ring inaprubahan ang 46 na special economic zones, na layong makahikayat ng ₱141.2 billion na halaga ng investments, at makalikha ng nasa 189,000 na trabaho.
“Inilalapit natin ang trabaho sa mga Pilipino. Hindi dapat kailangan lumayo sa pamilya o lumipat sa ibang lugar para lamang magkaroon ng magandang hanapbuhay.” -Recto