Asahan na ang panibagong bigtime oil price hike ngayong linggong ito.
Kung saan batay sa pinakahuling trading sa world market posibleng tumaas ng ₱4 to ₱5 ang kada litro ng diesel.
Habang nasa ₱6 to ₱5 naman sa kada litro ng gasolina at nasa ₱4 to ₱5 din naman sa kada litro ng kerosene.
Inaasahan namang iaanunsyo ng Department of Energy ang pinal na presyo nito ngayong araw.
Ang oil price adjustment ay bunsod pa rin ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado.