ASEAN Leaders, magpupulong para ibsan ang epekto ng mga kalamidad
Aarangkada ngayong September 15 at 16 ang ASEAN Ministerial Conference on Disaster Resilience, tampok ang mga ministro at pinuno ng disaster management agencies mula sa ASEAN.
Ang Southeast Asia, na nasa Asia-Pacific ang pinaka disaster-prone na rehiyon sa buong mundo.
Kabilang sa kinaharap na hazards ng 11 ASEAN member states ay bagyo, baha, lindol, drought at extreme weather na pinatindi pa ng climate change.
Sa naturang aktibidad, pag-uusapan kung paano isasagawa ang mga napagkasunduang plano at kung paano mapapalakas ang kakayahan ng ASEAN na harapin ang mga problema at krisis sa hinaharap.