Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Patuloy na pinaiigting ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga programa para sa mga Children in Situations of Armed Conflict, sa pamamagitan ng PEACE Project.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, layon ng proyekto na mabigyan ng angkop na intervention at suporta ang mga batang nasagip o nai-refer sa ahensya, kasama ang kanilang mga pamilya.
Bahagi nito ang pagpapalakas ng koordinasyon ng iba’t ibang ahensya para sa case management, referral, at pagbibigay ng mga serbisyong naaayon sa pangangailangan ng mga bata.
Kaugnay nito, nagsagawa ang DSWD at Council for the Welfare of Children (CWC) ng training sa Davao City kamakailan para mapalalim ang kaalaman ng mga frontline service provider sa mga polisiya at mekanismo para sa mga batang apektado ng armed conflict.
Kasalukuyan ang pilot implementation ng PEACE Project sa San Fernando, Bukidnon, Talaingod, at Davao del Norte