Sa kabila ng mga naitalang insidente ng karahasan sa isinagawang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections ay hindi 100 porsiyentong naidaos ang botohan sa Bangsamoro region.
Sa panayam ng Salaam Radio kay COMELEC Spokesperson, Director John Rex Laudiangco na bagamat nagkaroon ng akto ng karahasan sa Cotabato ay agad naman itong naaksiyunan gayundin ang kaso ng pre-shaded ballots as Maluso, Basilan.
Pagttitiyak pa ni Laudiangco na hindi basta-basta madadaan sa limot ang mga insidenteng ito dahil mismong si COMELEC Chairperson Garcia na ang nag-utos na makasuhan at mabigyan ng karampatang parusa ang mga nasa likod ng mga panggugulo at akto ng pandaraya sa BARMM Parliamentary Elections.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police sa pagkuyog ng ilang residente sa dalawang sasakyan sa Cotabato matapos umanong makita na may hawak na armas ang isa sa mga sakay nito.
Maayos ding natapos ang botohan sa Al-Barka at Maluso sa Basilan kahit pa na-extend ang oras ng botohan dahil sa mga naitalang insidente.