Inilapit ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang mga programa, serbisyo at tulong sa insurance sa mga magsasaka at mangingisda sa Eastern Samar sa isinagawang “Handog ng Pangulo” sa Capitol Gym, Borongan City.
Namahagi ang PCIC ng indemnity checks sa 40 kwalipikadong magsasaka na nagkakahalaga ng kabuuang ₱146,353.04 upang makatulong sa pagbangon mula sa mga pagkalugi sa agrikultura.
Samantala, isinagawa rin ang seremonyal na turnover ng mga insurance policy sa 2,389 magsasaka na may kabuuang insurance coverage na ₱28 milyon para sa iba’t ibang product line ng PCIC.
Nilinaw na magkahiwalay ang ₱28 milyong insurance coverage at ang ₱146,353.04 na indemnity checks na ipinamahagi sa 40 magsasaka.
Hinikayat naman ng PCIC ang mga kwalipikadong magsasaka at mangingisda na samantalahin ang libreng PCIC insurance ngayong Setyembre 2026 para sa proteksyon laban sa mga sakop na panganib, kabilang ang kalamidad, peste at sakit.
Maaaring magtungo ang mga interesadong benepisyaryo sa kanilang Municipal Agriculture Office para sa impormasyon at pagpapatala. | ulat ni Penelope Pomida, RP Borongan