Tiwala ang Department of Energy (DOE) na mababawasan ang alert status sa Visayas Grid sa susunod na buwan.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, puspusang tinatapos ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang paglalagay ng mga baterya para maging stable ang kuryente sa Visayas.
Dagdag nito, posibleng sa katapusan ng 2026 o first quarter ng 2027 ay dumating din ang mga power barge, kasabay ng panawagan sa national at local governments na madaliin ang proseso nito.
Samantala, sinusubukan din ni Garin na maikonekta ang Panay sa Mindoro hanggang Batangas para sa mas matatag na Visayas Grid.