Magiging napakalaki ng positibong epekto ng matagumpay na BARMM Parliamentary Elections upang mapalakas pa ang autonomous capacity ng Bangsamoro Region.
Ito ang naging pananaw ni Bangsamoro Board of Investment Chairman Mohamad Omar Pasigan sa naging panayam ng Salaam Radio.
Ani Pasigan, mas mabibigyan na ng lakas ang mga polisiyang ilalabas ng BARMM lalo’t hinalal na ng sambayanan at hindi na lang itinalaga ang mga miyembro ng Bangsamoro Parliament.
Isa rin itong perpektong oportunidad upang mas matutukan na ngayon ang pagpapalakas pa ng ekonomiya ng BARMM sa pamamagitan ng pagpapahusay pa sa investment relations ng Bangsamoro region.