Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan Third Division ang urgent motion for reconsideration ni dating House Speaker Martin Romualdez na mailipat siya mula sa QC Jail Male Dormitory patungo sa isang government hospital sa Quezon City.
Kabilang sa hiling ni Romualdez ang paglipat sa Veterans Memorial Medical Center o iba pang tertiary government hospital sa Quezon City na lokasyon din ng anti-graft court.
Ayon kay Sandiganbayan 3rd Division Chair Justice Karl Miranda, walang nakasaad sa medical findings ng PGH na hindi maaaring makulong si Romualdez sa QC Jail.
Binigyang-diin ng Sandiganbayan na ang simpleng pagbanggit sa kanyang karamdaman ay hindi sapat na dahilan para patuloy siyang manatili sa ospital.
Ang rekomendasyon din umano ng mga doktor ay para sa patuloy na medical monitoring at pangangalaga, at hindi para manatili siya sa ospital.
“There are many more, maraming, maraming PDLs that have a worse medical condition compared to Congressman Romualdez.” -Justice Miranda
Samantala, inatasan ng korte si QC Jail Male Dormitory Warden Maria Lourdes Pacion na humiling ng ECG machine para sa pasilidad, na magagamit sa monitoring ng lahat ng persons deprived of liberty (PDL).