COMELEC, naitala ang 84.34% voter turnout sa makasaysayang BARMM 1st Parliamentary Elections
Pinuri ng Commission on Elections (COMELEC) ang mataas na voter turnout at mabilis na transmission ng election results sa ginanap na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa programang BOSES, sinabi ni COMELEC Chair George Erwin Garcia na ang 84.34 % voter turnout ay nagpapakita ng masidhing pakikiisa ng mga botante sa eleksyon.
Samantala, wala namang nagprotesta makaraang iproklama ng COMELEC ang 80 bagong BARMM parliament members.