Mga kontrata ng GenCorp na naiugnay kay VP Sara, tinawag na “red flag” ng House leader
Tinawag ni Deputy Speaker Paolo Ortega V na isang “red flag” ang mga naiulat na kontrata ng pamahalaan na nakuha ng GenCorp Industries Inc.
Ito ay matapos lumabas sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte na kabilang siya sa shareholder nito.
Ayon sa ulat, umabot sa humigit-kumulang ₱15.02 milyon ang halaga ng mga kontratang nakuha ng GenCorp mula sa Davao City Hall at sa regional PhilHealth office sa Davao sa pagitan ng 2022 at 2025.
Para kay Ortega, posibleng dahil ito sa pattern ng procurement sa pagitan ng isang supplier at local government