Hindi ikinakaila ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez ang siya pa ring pinaka-malaking isdang nalambat na may kaugnayan sa ma-anomalyang flood control projects.
Nananatili itong testamento na seryoso si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang sasantuhin ang administrasyon kamag-anak o kaibigan man basta sila ang ituturo ng mga ebidensiya ay kailangan silang managot sa batas.
Pagtitiyak pa ni Dizon na marami pa silang tinitignang mga pangalan na sangkot sa ma-anomalyang mga proyekto partikular sa flood control project kaya ito umano ang dapat abangan ng publiko.
Hirit pa ng kalihim na hindi titigil ang pamahalaan hangga’t hindi nalalambat ang lahat ng sangkot sa mga anomalya sa government projects partikular sa mga proyektong pang-imprastraktura.