Naka-preposition na ang disaster relief supplies ng ASEAN sa apat na member states nito para mapabilis ang paghahatid ng tulong sakaling may emergency o kalamidad.
Sa pamamagitan ng ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on Disaster Management o AHA Centre, itinatag ang mga regional warehouse sa Pilipinas, Thailand, Malaysia at Indonesia para sa nasabing supplies.
Inilarawan ni Office of Civil Defense Undersecretary Harold Cabreros ang AHA Centre, na naka-base sa Indonesia, bilang nerve center ng ASEAN Disaster Management.
Bukod sa pag-preposition ng supplies, pinalalakas din ng ASEAN ang disaster management capabilities sa pamamagitan ng pagsasanay, knowledge-sharing at exchanges of experience.