Naging mabunga ang naging pakikilahok ng Bangsamoro Board of Investment sa ginanap na Belt and Road Summit 2026 sa Hong Kong kung saan isa ang BBOI sa mga naging kinatawan ng Pilipinas.
Sa panayam ng Salaam Radio kay Bangsamoro Board of Investment Chairperson Mohamad Omar Pasigan maayos nilang nai-prisinta sa mga potential investor ang mga oportunidad sa raw materials at processing sa BARMM.
Nailatag din ng maayos ang serye ng mga proukto at serbisyo na maibibigay ng BARMM sa mga dayuhang mamumuhunan upang maitaas pa ang ekonomiya ng Bangsamoro Region.
Masaya ring ibinalita ni Pasigan na matapos ang mga pulong sa summit ay ilang investors na ang nagpakita ng kanilang interes na mamuhunan sa BARMM.