Nanatili sa full alert status ang kapulisan ng Davao City Police Office (DCPO) kahit natapos na ang BARMM Parliamentary Election.
Sa isinagawang Davao Peace and Security Press Corps Media Briefing sa The Royal Mandaya Hotel, inihayag ni DCPO Spokesperson Lt. Col. Maria Teresita Gaspan na hinihintay pa ang opisyal na pag-lift ng PNP National Office sa naturang alert status.
Inihayag ni Gaspan na sa ngayon, patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa buong lungsod.
Ayon kay Gaspan, layunin ng awtoridad na mapanatili ang seguridad at maiwasan ang anumang posibleng spill-over ng tensyon o insidente mula sa ibang bahagi ng Mindanao.
Patuloy rin ang monitoring ng mga security forces bilang pag-iingat sa anumang posibleng banta sa seguridad.