Sumuko sa pamahalaan ang apat na miyembro ng Communist NPA Terrorists (CNTs) sa magkakahiwalay na operasyon sa Borongan City, Eastern Samar, at sa mga bayan ng Palapag at Catubig, Northern Samar, matapos ang panawagan ng kanilang mga pamilya at sa hirap ng buhay sa kabundukan.
Ang mga nagbalik-loob na sina alias “Junjun”, “Yana”, “Tanggol”, at “Digma” ay mula sa Sub-Regional Committee ARCTIC ng EVRPC. Kasabay ng kanilang pagsuko, naisiwalat din ang lokasyon ng dalawang arms cache noong Setyembre 13 kung saan nakatagpo ang militar ng anim na matataas na kalibre ng baril, kabilang ang apat na M16 at dalawang M14 rifles.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng epektibong pagpapatupad ng Local Peace Engagement (LPE) at ng adbokasiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng programang Bagong Pilipinas, na naglalayong wakasan ang armadong sigalot sa pamamagitan ng kapayapaan at inklusibong pag-unlad.
Tatanggap ang apat na dating rebelde ng tulong pangkabuhayan, livelihood training, at financial assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.
Ayon sa 8th Infantry Division, patuloy ang bukas na pintuan ng pamahalaan para sa mga nagnanais na magbalik-loob upang makapiling muli ang kanilang pamilya at makapag-ambag sa kaunlaran ng pamayanan. | u
📸 8ID, PA