Nirerespeto ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang desisyon ng Kamara na i-defer ang panukalang ₱19.49-bilyong budget nito para sa 2027 habang nireresolba ang mga seryosong isyung kinasasangkutan ng Meta.
Ayon sa DICT, nakikiisa ito at nagpapasalamat sa Kamara sa masusing interpellation na nagtutulak sa ahensya na higit pang pagbutihin ang serbisyo publiko at panindigan ang mataas na antas ng accountability.
“We stand in solidarity with the advocacy of the House and are grateful to its members whose rigorous interpellation continues to push the Department to further improve public service and uphold the highest standards of accountability.”
Kabilang sa mga concern ang online sexual abuse and exploitation of children o OSAEC at child sexual abuse and exploitation materials o CSAEM, pati online illegal gambling, cyberbullying, social media addiction, at iba pang panganib sa mental health ng mga bata.
Giit ng DICT, sang-ayon ito na dapat managot ang mga technology company at magpatupad ng epektibong safeguards para sa ligtas na digital environment.
Una nang hiniling kay Meta CEO Mark Zuckerberg na humarap sa Department of Information and Communications Technology o DICT sa isang pagdinig ng Kamara hinggil sa social media safety.