Humirit si Distilled Spirits Association of the Philippines (DSAP) representative Olivia Limpe-Aw na sa halip na alak, kape na lamang ang patawan ng buwis.
Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means hinggil sa panukalang dagdag-excise tax sa mga inuming nakalalasing, sinabi ni Limpe-Aw na bumababa na ang demand sa alcoholic beverages sa hanay ng Gen Z dahil mas tinatangkilik umano ng mga ito ang kape.
Batay sa datos na ibinahagi ng Department of Finance, mahigit P2 bilyon ang ibinaba ng koleksiyon mula sa excise tax sa manufactured alcoholic products sa bansa.
Gayunman, iginiit ni committee chair Miro Quimbo na ang usapin muna ng pagbubuwis sa alak ang dapat pagtuunan ng pansin.
Pabiro pa niyang sinabi na baka dumami ang antukin kung kape naman ang pag-uusapan.