Nanawagan si Marinduque Governor Melecio Go kay Supreme Court Chief Justice Rodil Zalameda na agarang aksyunan ang kanilang petisyon na kumukuwestiyon sa ₱1.6-bilyong bayad sa mga abogado ng lalawigan kaugnay ng $100-million-dollar settlement offer.
Sa liham ni Go, tinatayang ₱800 milyon ang mababawas sa trust account ng lalawigan sa Landbank dahil sa garnishment o pagkuha ng pondo bilang bayad sa mga abogado na iniutos ng Court of Appeals.
Kinukuwestiyon ni Go ang 25% lawyers’ fee, lalo na’t dalawang taon lamang umanong nagsilbi ang mga naturang abogado.
Iginiit din ng gobernador na hindi dumaan sa tamang procurement process ang pagkuha sa serbisyo ng mga abogado at wala umanong naganap na paglilitis sa merito ng kaso bago ipatupad ang garnishment.
Dahil dito, hiniling ni Go sa Korte Suprema na agarang resolbahin ang kanilang Petition for Certiorari.
Samantala, wala pang nakasaad sa naturang liham na tugon mula sa Court of Appeals at sa panig ng mga abogadong makatatanggap ng bayad.