Paghahanda sa antas ng komunidad at mas matibay na pagtutulungan sa loob ng ASEAN ang binigyang-diin ng pamahalaan sa harap ng inaasahang epekto ng super El Niño.
Sa media briefing matapos ang 2026 ASEAN Ministerial Conference on Disaster Resilience (AMCDR) sa Maynila, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na maaaring magdulot ang El Niño ng matinding tagtuyot, kakulangan sa pagdating ng ulan, epekto sa produksyon ng pagkain, forest fires, at iba pang panganib.
Ayon kay Teodoro, mahalaga ang maagang paghahanda at resource sharing sa pagitan ng mga bansa, lalo na kung hindi sabay-sabay tatamaan ng sakuna ang rehiyon.
Binanggit din niya na minamanmanan ng pamahalaan ang mga lugar na maaaring makaranas ng matinding epekto ng tagtuyot, kabilang ang mga lugar na bumababa ang lebel ng tubig.
“’Yung paghahanda natin sa El Niño na ’yan, sa community level ang pinaka-importante para maharap natin ito.” — DND Sec. Gilberto Teodoro Jr.