Photo courtesy of Department of Finance
Inilunsad ng Board of Investments (BOI) ang Digital Investor’s Guidebook para mapabilis at mapadali ang pagnenegosyo at pamumuhunan sa Pilipinas.
Binuo ito kasama ang Asian Development Bank (ADB) at PwC Philippines, bilang suporta sa Green Lanes for Strategic Investments sa ilalim ng Executive Order Number 18.
Pinagsama sa online guidebook ang mga pangunahing requirements, permits, ahensya ng gobyerno at prosesong kailangan ng mga investor.
Ayon kay Investment Czar at Finance Secretary Frederick Go, mahalaga ang mas mabilis at mas murang pagnenegosyo sa bansa upang makahikayat ng mas maraming pamumuhunan at makalikha ng karagdagang trabaho.