Nagsimula na ang konstruksyon ng NAIA Terminal 3 Station ng Metro Manila Subway Project.
Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, ito ang magiging kauna-unahang mass public transport system na direktang magkokonekta sa pangunahing paliparan ng bansa.
Target makumpleto ang buong 33-kilometrong Metro Manila Subway sa ikaapat na quarter ng 2031.
Kapag operanal na, inaasahang aabot sa halos 40 minuto ang biyahe mula valenzuela city patungong naia terminal 3, mula sa kasalukuyang humigit-kumulang isang oras at 10 minuto.
Pinondohan ng Japan international cooperation agency ang proyekto, na magkakaroon ng 17 istasyon at inaasahang maglilingkod sa libu-libong pasahero araw-araw.