Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang pagtugis sa mga kapwa akusado ni dating House Speaker Martin Romualdez sa kasong plunder, kaugnay ng umano’y kickback scheme sa mga flood control project.
Kasunod ito ng ulat ng Bureau of Immigration na bukod kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, nakalabas na rin ng Pilipinas ang isa pang kapwa akusado na si Joselyn Serenio na noon ay personal assistant ng dating Speaker.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co, maaari silang pumasok sa international cooperation upang matugis si Serenio.
Layon nitong agad matunton at mahuli ang mga pugante upang mapanagot sa batas.
Patuloy naman ang koordinasyon ng PNP sa ibang pang ahensya upang matukoy ang kinaroroonan ng mga wanted person at tuluyang maaresto ang mga ito. | ulat ni Diane Lear